ICECREAM LANG ANG KATAPAT NG BABAENG NAIWAN
Ano ba ang mga nangyari sa araw na ito?
Late akong natulog kagabi. Ay mali. Maaga pala. Sobrang aga, past 1am na.
May assignment sa math at eko. Oh shoot. Umaga ba tlga? Bat kasi kelangang before 7am pa!
Sabi ko sa sarili ko, gigising ako ng maaga para maagang makapasok at nang himalang magkasagot sa assignments. Nagalarm ako ng 5:45AM. Bumangon ako ng 6:05AM. Pagkagising ay deretso kagad sa banyo upang maligo. Gawain ko nang kompyutin ang oras kung malalate ba ako o hindi habang naliligo. Ayon sa computations ko, aabot daw ako. Makakapagpasa pa ako ng assignments. Ayos.
Wala na pala kaming katulong. Tsk. Ang hirap kapag walang katulong lalo na kung ikaw ang bunso.
Kinailangan ko parin magmadali. Baka kasi sakaling mali pala ang pagkakakompyut ko sa oras. As usual, sa daan nanaman ako nagsuklay. naiwan ko pa yung tali ng buhok ko. What a start.
Jeep. Baba. Lakad ng mabilis, brisk walking ba. Tingin sa oras. 10 minutes before 7AM. Pwede pa!
Pasok ng klasrum. Isip muna ng uunahing gawin. Okey. May assignment ako!
Baba na daw!
Flag ceremony. Boring. Gusto kong dumaldal ngunit nakakatamad. Isa pa, may nakabantay. Bengga.
Let us put our right hand IN our left chest blablabla. IN daw. Sa loob daw. Pano naman kaya? Mahirap kaya miss. Nako. Pilosopo nga naman.
Blabla is an english writer blabla. Woah. May accent si kuya. May pagkamalandi. Haha.
And the moments of silence begins…sabay magiingay.
English na. Nagiwan ng gagawin si Sir Adviser. Aalis daw kasi sya at aasikasuhin yung newspaper. tagalog version so dyaryo pala dapat. Uh. May gumawa kaya?
Free time. Ayos. Tinawag ako ni Mr. President. Paayusin ko daw sila. Tapos manghingi daw ako ng 10 pesos. Bakit ako?! Osige na nga.
Affa! Umayos muna kayo please. Balik muna kayo sa upuan. May sasabihin ako. Seryoso ang tono, akala mo seryoso din ang sasabihin. AHAHAHAHAHA! Naiimagine ko na ang mangyayari. Mababara ako nito. Kelangan nang maghanda.
Kasi ganito yun. Kelangan daw magamba….WEEEEEEEHHHHHH!
Na WEH ako. Okay lang. Tanggap ko na.
Wala daw sila barya pa. Next topic na. Swimming!
Nga pla, magsimula na kayong magpaalam para sa swimming…*PAALAM! PAALAM RUTH!* barado si Ruth. Bahala na nga kayo. Upo na ako.
Ap na. Discussion lang. Magrecite daw. Asa board na nga oh! *taas kamay*
Health na. Discuccion lang din. Tapos groupings. Ha! Akin si Eduard! Yey!
Recess na. The usual routine. Papalit ng chits, bili, akyat at kain.
Math na. Wala daw quiz! Weh? YEHEY! diniscuss lang yung assignment. AAAAH! Ganon pala yun. OH. nye. Bakit pag ako na lang di ko magets? TSK.
Values na. Vocation talk blabla. Pray na at nang lunch na!
Lunch na. Busy ang lahat magaral para sa physics.
Computer na. May quiz daw. Ay weh? Madali ba? OO, kaya mo yan. Okay sige.
Physics na. Everybody stand up let us pray. Oh shoot, nakalimutan ko gagawin! Sana pasado!
Filipino na. Audi kami. Power point eh. Asensado.
May meeting daw kat T.Rose ng 4:20. Uh. Bat kaya? Sos. Iaanounce lang pala passers sa ACET. Bitter ako, ok? Di ako pumasa eh. Haha.
Uwian na. Di daw kakain, nauwi naman sa may puguan. Kain mode nang biglang may dumating. Oh Sopya, kala ko di ka sasabay? Bukas pa yun eh. Iniwan niyo ko. Muka akong tangang umikot ng school hinahanap kayo. Weh? Hala. I. Am. Sorry. BOOM. Guilty ako. Pano ako pinupuntirya eh.
Mayamaya. Umimik na. Sabay iyak. Hala! Bat ka umiiyak? Nye.
Gusto ko ng icecream. Sige, punta tayo kina Carbon. May icecream dun.
At napadpad kami ng amparo dahil sa icecream.
First stop: Carbon’s house. Uy. May spaghetti. Kain mode muna.
Next stop: Bang’s house. Madilim na. Uwing uwi na si sopya. Nakakahiya tol. Umabot ka manlang sa loob. Naglabas ng pagkain. Nako. Kain muna tayo. Kahiya kung hindi. YUMYUM. NUTELLA.
Gabi na. Papagalitan na ako. AW. Uwi na ako bang. *nguso ke sopya meaning si sopya kasi eh di tuloy ako makakapagstay*
TITAAA! Uwi na po ako. Muka tuloy akong nakikain lang. SALAMAT POOO!
Jeep na pauwi.
Papagalitan kaya ako? Nako. Baka di ka na payagan sa lakad mo bukas. Kasi naman eh. Gusto ko lang ng Icecream eh!
Bonding moment with pao and carbon boo u suck ruth wa ka d2 - Hala sige. Kala mo ha, gagambalain kita bukas!



